Friday, March 30, 2012

Bagong status ni Alan!

Sabi nya parang nagkikita lang yata kami kapag nagbabago ang status nya hehe. Medyo totoo nga pero at least ngayon, magandang balita - in a relationship na sya! Magra-ramen dapat kami sa Orchard Plaza pero sarado pala sila ng Lunes kaya naghanap na lang kami ng ibang makakainan sa loob ng mall. At dito kami napadpad sa restaurant na Sumo wrestler ang tema. Ang may-ari daw nito ay dating Sumo Professional sa Japan at ang pangalan ng restaurant na Chanko Nada ay hango sa "Chanko" na pagkain ng mga sumo wrestlers. At sulit! Dito ako nakatikim ng pinakamasarap na salmon sashimi sa buong Singapore! Medyo mahal para sa 5 piraso for 18 dollars pero sarap naman! Umorder din kami ng maraming yakitori - eto nga si Alan masayang-masaya sa picture:


In a relationship! Yahoo! (Yun yatang Sumo wrestler na nasa poster sa taas ng ulo ni Alan yung may-ari ng Chanko Nada)
Sarap ng sashimi na'to!











Nakuha pa naming mag ice cream sa Cold Stone Creamery bago ko sya hinatid sa bahay nya. Congrats sa bagong status at sana ay "this is it!" na ito para sa yo :)

No comments:

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...