Monday, January 09, 2012

Tambay with muppet

Medyo huli na ko sa uso pero ngayong weekend ay sinubukan kong gamitin ang instagram. Ang instagram ay isang sikat na iPhone application kung saan pwede kang kumuha ng pictures at i-apply ang kanilang filters na magreresulta ng vintage looking photos. Cool sya, di naman kase kailangan palaging perpekto ang mga kuha at sumunod sa rule of thirds at iba pang guideline sa photography.

Malakas ang ulan nung linggo(akala ko pa naman ay summer na), kaya tambay lang kami ni Ayesha sa bahay kaya syempre sino pa ba ang magiging subject ko?

Paborito nyang silip-silipin ang washing machine (wala pang filter ito)

Eto may filter pero nakalimutan ko na ang pangalan basta ganito ang itsura ng mga childhood photos ko

Habang nagluluto ako ay nanonood sya. Sa kuhang ito, washed out ang kulay lalo na sa bandang mukha nya. Ok rin na effect kase naili-lead ang mata ng tumitingin papunta sa mukha nya
Naaaliw nyang umupo/tayo sa bumbo chair nya. Trip ko lang dito yung border atska naging warm browns yung kulay
Napagod din! Medyo grainy ang kuhang ito pero ok sya para sa kin, mas nagiging interesting ang ordinaryong kuha

Lalong sumikat ang instagram dahil madaling mai-share ang mga kuha sa facebook, twitter, at iba pa. Interesado sana ako kung paano diretsong mai-post sa blogger pero di pa ko marunong. Sa susunod na weekend, try namin ni muppet maglakad-lakad sa park at gamitin ulit ang instagram : )

No comments:

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...