Sunday, January 08, 2012

Habang naghihintay sa car wash

Nanggigitata na ang kotse, ilang buwan ko na syang di napapa carwash. Tag-ulan pa naman nitong mga nakalipas na buwan kaya talagang di mo na halos malaman ang kulay ng kotse - blue ba o gray o green? Kaya kaninang umaga minabuti ko ng dalhin sya sa talyer, napakahaba ng pila at sabi nung naglilinis ang dumi daw ng kotse ko kaya dapat yung gold package nila ang kunin ko - kinakailangan na ang matindihang waxing at polishing. Ok, 75 sgd ang damage pero sige na nga para makabawi naman ako sa kotse. 30 minutes daw yung waxing kaya tumawid muna ako ng kalsada at umorder ng Prawn Mee(5.50 sgd ang isang bowl). Sikat ang hawker** na ito, ang daming tao! Pag dating ng bowl ko, ang bango! Langhap ko agad ang hipon at chili. Napakalasa ng sabaw, pinapakuluan daw kase nila yung shell at ulo ng hipon (ganun din ginagawa ng nanay ko!). Tamang-tama ang pagkakaluto ng hipon at hinahati na nila ito sa gitna mula ulo hanggang buntot kaya di nakailangan kamayin, kagatin na lang mula sa chopstick at pagkatapos ay itapon ang shell sa table.

habang hinihintay ko ang prawn mee ko, tingin-tingin muna sa kapitbahay
Eto na!
Si Lee Kuan Yew ang ka-table ko

Ayun naubos ko agad ang Prawn Mee at nag takeaway pa ako para kay Jack, ang aking father-in-law at ang nag-aalaga kay Ayesha habang ako ay nagrerelax sa talyer.

---------------------------------

Ang ganda nga pala ng kotse pagkuha ko sa talyer. Ang kintab! Ang dulas! Ang gwapo! Kinagabihan night shift ako sa trabaho at naiwan kong bukas ang bintana, ayun umulan nang malakas at nabasa ang mga upuan at dashboard. Lintek.

** Beach Road Prawn Mee Eating House sa East Coast Road (katapat ng Caltex)

No comments:

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...