Sunday, March 28, 2010

Malapit na mag-expire ang passport ko kaya isang araw minabuti kong i-renew na ito, tinext ko na lang ang boss ko na male-late ako sa work. Ang payo kase ng embassy, weekday daw pumunta dahil meron silang 250 applicants a day na cut-off, mabilis mapuno ito pag weekend kase maraming pinoy na ang day off lang ay linggo. 9:30 ako dumating sa embassy, at marami ng tao. Ang una kong napansin ay di man lang tinignan ng guwardya ang bag ko. Madali lang pala bombahin ang embassy. At dahil ang tagal-tagal tawagin ng number ko, napansin ko na naman ang itsura ng embahada. Minsan nga isinama ko si Simon dito at ang sabi nya ay "somebody made sure that the place looks authentic". Pano ba naman, mukhang bahay lang ito, tapos inextend lang nila yung bubong nung bahay hanggang bakuran at nilagyan ng maraming upuan sa ilalim ng bubong. Kaya dun kami nakaupo sa labas ng bahay, na napakainit. Kahit na may mga ilang wall fan (na maalikabok) ay mainit pa rin. Nakasabit lang sa mga dingding ang extension cords, at ang mga upuan ay mga lumang classroom chairs. Syempre(as usual) yung mga empleyado nandun sa loob kung saan naka-aircon, nilagyan lang nila ng maraming bintana yung bahay para masilip kami.

Pero sige sabihin na nating kung may budget man para gawing presentable ang embassy at maging komportable ang mga pinoy na bumibisita dito ay siguro matagal ng nakurakot ng mga buwaya sa gobyerno. Pero di ko mas lalong matanggap kung pano sila mag proseso ng mga documents. Mahigit 6 na oras ako naghintay para bigyan ng slip na pinababalik ako after 6 weeks. Ang ginawa lang naman nila ay i-check kung na fill-up ko ng tama yung renewal form, kung kumpleto yung mga photocopies ng current passport at Singapore IC ko, at kunin ang thumbprints ko (kung saan nakapasok ako sa loob ng bahay kase nandun yung computers). Lintek 6 na oras! at weekday pa. Tinext ko tuloy yung boss ko na di na ko makakapasok at ipa-file ko na lang na annual leave ang araw na yun. Tinitipid ko pa naman ang mga leaves ko para sa bakasyon, di para magbasa ng libro habang init-init sa bakuran ng embassy. Nung nagbayad na ko, syempre cash lang (85 sgd) ang tinatanggap nila. Bakit kaya? Syempre naisip namin oo nga para walang traceability. Tayo na lang yata ang di tumatanggap ng NETS at Credit card sa buong Singapore, pwera ang mga hawker centers. At kapag may kailangan ka pang i-photocopy na documents, wala silang photocopier kaya maglalakad pa ang mga pinoy (ng 15 minutes one way!) papuntang Orchard Road kung saan may mall.

Buti na lang, may nakilala akong mabait na pinay habang naghihintay. Isa syang nurse at 10 years na dito sa Singapore. Sabay kami nag lunch at inimbitahan nya pa ko sa birthday party nya sa susunod na linggo. (Na nagpunta naman ako at sinama ko pa si Simon)

Pagpasok ko kinabukasan sa opisina, di makapaniwala ang mga officemates ko na inabot ng buong araw ang passport renewal ko. Sa ibang lahi kase, dina drop off nga lang ang application nila at pagkatapos ng ilang araw ay pwede ng i pick up. Wala pang 30 minutes ang ginugol nilang oras. Bakit kaya di natin magawang maging efficient tulad nila?

Makalipas ang 6 weeks, nung panahon na para makuha ang passport ko ay inabot pa rin ng 2 oras. Dapat di na ko magulat pero bakit naman napakatagal pa rin? Konti lang naman kami naghihintay, may mga ilang pinoy na nga na nagreklamo pero sabi sa kanila ay maghintay lang sila. Nung mag aala-sais na ng hapon, aba bigla na lang pinagtatawag ng mabilis ang mga pangalan namin. Kase nga uwian na pala. Naalala ko tuloy nung nag-aaral pa ko at kailangan kong mag OJT sa isang kumpanya. Ang sabi ng isang empleyado na dapat ay mentor namin, huwag daw namin ubusin ang lahat ng trabaho sa isang araw. Magtira kami para sa mga susunod na araw, kung hinde wala na daw kaming gagawin at baka masibak pa kami ng kumpanya. Naisip ko na lang, anong klaseng advice yun? Kung ganon ang pag-iisip ng mga pinoy ay paano nga tayo uunlad? 5 years pa bago ko kailanganing magpa renew ulit ng passport. Pero sana may magbago na.

--------------------

Maiba naman tayo. Magandang balita naman. Dahil machine readable na ang bagong philippine passport(yehey!) ay pwede ng dumaan ang mga pinoy na Singapore PRs sa "express" immigration clearance. Scan lang ng passport at thumbprint ang kailangan para lumabas-pasok sa isla!
Haay... linggo ng tanghali ngayon pero imbes na magrelax (ang init pa naman at ang sarap mag swimming, manood ng tv, magbasa ng libro, matulog) ay kailangan umalis na ko para sa driving lessons ko. Last lesson ko na ito, sa isang linggo ay practical test ko na. Sana naman pumasa na ko.

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...