Friday, May 08, 2009

bawal humatsing!

Siguro nadala sila sa SARS dati kaya ganito na lang ang pag-iingat nila sa swine flu. Galing ako sa mahaba-habang bakasyon mula sa Pinas at pagbalik ko sa Gapor ay orange alert na daw dito. Nung martes lang ng gabi, may klase ako pero pagdating ko sa classroom ay may inabot agad na thermometer sa kin ang katabi ko. Required daw kami na kunin ang temperature at i-report sa teacher ang resulta. May isang kaklase daw ako na may konting lagnat at ayun pinauwi na ng teacher. Di nga lang ako marunong gumamit kase digital yung thermometer, ang alam ko lang ay yung pag inipit mo sa kili-kili ay aandar yung pulang mercury. Nahiya naman ako iipit sa kili-kili ko kase naka sleeveless ako, napaka unhygienic di ba? Ayun nag-imbento na lang ako ng temperature ko, di naman napansin ng teacher. Sana daw next week ay magdala na kami ng personal naming thermometer.

Kinabukasan, nahuli ako ng gising kaya nagtaxi na lang ako papasok ng office. Pag bayad ko sabi ng driver kelangan daw ibigay nya sa kin ang resibo para kung sakaling magka swine flu sya o ako ay ma-trace ng mga kinauukulan na sumakay ako sa taxi nya. Kinagabihan dumaan kami ng driving school ni Simon dahil magpapa-schedule sana ako ng practical test. Bago kami makapasok sa center, may kumuha muna ng temperature namin(gamit ang hi tech na thermometer - tinapat lang sa noo namin) at dahil normal naman kami - binagyan kami ng maliit na sticker na nagsasabing wala kaming lagnat at nakalagay din kung anong araw kami nakuhanan ng temperature(wednesday). Yung sticker pwedeng idikit sa tshirt para di na nila ulit-ulitin kaming i-check para sa araw na yun. Kinuha rin ang IC namin at mukhang nire-record nila ang resulta.

Bilang pinoy, kakaiba talaga para sa kin ang ganitong sistema. Sabi ng Health Minister dito, mas mabuti na mag over-react sila kesa mag under-react. May punto naman sila, lalo na at buhay ng mga mamamayan at pati na rin ekonomiya ang nakataya. Ganito rin kaya ang pag-iingat na ginagawa sa ibang bansa? Kausap ko si Jao kanina at wala daw ganon sa Pinas, OA daw ang Singapore. Sumang-ayon naman ako hehe. (Jao, Safety first!)

----
Binabaan na pala nila yung alert, mula orange ay yellow na lang ngayon. Siguro naman di ko kelangan magdala ng thermometer para sa klase ko next week?

----
Nanood kami ng DVD ng "A very special love" ni Anet kanina. Kakauwi nga lang nya e. Sobrang naaliw kami. Napaka jologs ni Sarah Geronimo! Panalo! :)

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...