Wednesday, March 25, 2009

bigo!

Kumain naman ako ng saging, pampaalis daw kase ng nerbyos yun. Sinuot ko pa ang paborito kong tshirt, maong, medyas, pati nga bra at panty ay pinili ko yung pinaka komportable. Sinunod ko rin ang payo ng instructor ko na kumain ng mentos habang nasa exam pang-alis rin daw ng kaba.

Pero 5 minuto pa lang yata mula ng paandarin ko ang kotse, nabangga agad ng gulong ko yung kanto ng isang S-curve. Makitid kase ang course na ito pero sa dinami-dami ng driving lessons na nakuha ko(36 driving lessons! 1 driving lesson = 100 minutes), ay di ko nabangga ito - ngayon lang kung kelan exam ko pa. Pagkatapos nito ay lalong nagkaloko-loko na, sumunod ko namang nabangga ang kerb habang nagve-vertical parking. Ewan ko ba, di ko nga alam kung pano ko natapos yung 45 minutes na exam. Dinala ako nung LTA officer sa isang opisina at doon sinabi nya sa kin na bumagsak ako sa exam. Ang passing grade ay 19 demerit points, awa ng dyos binigyan nya ko ng 30 points. Haay. Hinihintay pa naman ako ni Simon sa labas ng school, dun ko pinakita sa kanya ang aking Test Report. Haha.

Eto yung Test Report ko galing sa Traffic Police:

Dear Madam

We refer to your performance during the driving test and regret to inform you that you did not perform well to be granted a qualified driving license. We will urge you to improve on the mistakes listed below and prepare yourself for the next test.
Please do not be disheartened and do learn from the mistakes during the test. With sufficient training, we are confident that you will perform well in your next test. Asus!

Mistakes during the test:

Srike Kerb Narrow Course(S Course) 10 points
Strike Kerb Vertical Parking 6 points
Speed too slow for the road 14 points
Insufficient acceleration
Delay in moving off


Hmm.. Kailangan ko ulit magpa book ng practical exam(150 sgd!) pero ang susunod na schedule ng exam ay April 29 daw. Nasa pinas kaya ako ng petsa na yan, at syempre di ko ipagpapalit ang bakasyon sa pinas kesa sa lintek na driving exam(bitter hehe).

4 comments:

Jao said...

no mind nga kasi e, no mind! pero oks lang yun, di mo rin naman magagamit dito sa pinas yung inaral mo jang panay ka-OA-an. =P Dapat, dito ka na lang mag praktis, pagdating jan tamo ang husay mo. :P

raz said...

oks lang yan, la. try and try hihihihi..

lala said...

jao: di ko yata kaya ang no mind na yan. magka lisensya kaya ako? haay

raz: nabuhay ang blog mo! mabuhay! :)

knottydon said...

for what it's worth, yun first practical exam ko sa Illinois, bagsak din. masyado daw akong conscious. Kasi sabi ng mga friends ko, tingnan ko raw yun left-right-then adjust mirror, napahamak pa ko!
nakakuha rin ako eventually ng license pero nawala rin. lintek!

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...