Wednesday, January 30, 2008

'sang timbang tsokolate!



wala daw makain sa bahay ko sabi ni n - nandito sya nung nakalipas na weekend at totoo ngang walang laman ang fridge kundi kalahating bote ng strawberry jam, isang karton ng malapit na maubos na cranberry juice at isang bloke ng butter. medyo ginutom kami at kumain na lang tuloy sa labas. kaya kanina, bago ako umuwi ay minabuti ko ng dumaan sa carrefour para magstock ng makakain. syempre di pwedeng di ako dadaan sa chocolates section, wala akong makitang maltesers na nasa plastic bucket kaya bumili na lang ako ng mga nasa fun packs at pag-uwi kong bahay ay madali silang isinalin sa kakaubos ko lang na bucket. ang saya saya! :)

Tuesday, January 22, 2008

jamming sa kalsada



palakad-lakad lang kami ni jao at naghahanap ng dive shop/makakainan nang matagpuan namin ang dalawang binatilyong itong nagkakasayahan sa tabi ng kalsada. nakapaa nga lang yung gitarista e hehe. nahiya pa sila nung magpaalam akong kunan sila ng litrato pero nung ipakita ko na sa kanila ang kuhang ito ay natuwa naman sila :)
(el nido town, palawan)

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...