Tuesday, October 02, 2007

cebu trip


Day 1

ang kabilin-bilinan sa akin ng mga ka-opisina kong tiga-cebu ay wag na wag akong pupunta sa colon. magulo daw, maingay, delikado. awa ng diyos, pagdating namin sa downtown cebu buhat sa malapascua island ay dumiretso na kami sa isang hotel sa colon.

ang colon pala ang pinakamatandang lansangan sa pilipinas. para sa kin, para syang taft avenue o kaya quiapo pero mas konti ang tao. binaba lang namin ang gamit namin sa hotel at pagkatapos ay dumiretso na kami sa magellan's cross na ilang minuto lang ang layo mula sa tinitirhan namin.

di ako makapaniwala nang ituro ni jao ang magellan's cross, ang liit lang pala nito! sa mga libro at video kase nung nag-aaral pa ako ay parang ang laki-laki ng lugar na ito. ang krus na ito ay isang simbulo ng cebu at masasabi na ring simbulo ng simbahang katoliko sa pilipinas.

mag-aalas-7 ng gabi na kami dumating kaya sarado na pala ang chapel kung saan nakatayo ang magellan's cross, buti na lang at kaya pa rin itong silipin mula sa labas. gusto rin sana namin pumasok sa basilical minore del sto. nino pero sarado na rin. babalik na lang kami kinabukasan.

may kaibigan si jao sa cebu, at inimbitahan kaming pumunta sa isang birthday party ng gabing iyon. pinahiram din pala kami ng kotse at driver ng kaibigan nyang ito kaya syempre di na namin tinanggihan pa ang libreng tsibog. panalo ang party na yun! may lechon baka, lechon baboy, lobsters, alimango, scallops, kuhol, hipon, fortune cookies at marami pang iba!

matapos naming maubos halos ang handa ng party, ay dumiretso na kami sa Tops. ito ang version ng cebu sa antipolo, mula sa lugar na ito ay makikita ang buong metro cebu at iba pang karatig-isla. napakalamig sa Tops! sikat nga daw itong pasyalan ng mga magka-kasintahan. ang view dito ay napakaganda, parang napakaraming christmas lights ang buong cebu kapag gabi.

Day 2

umagang-umaga pa lang ay dumiretso na ulit kami sa Magellan's cross. sa pagkakataong ito ay bukas na ang chapel at ang sto nino church. maraming deboto ang sto. nino, maaga pa pero marami ng tao. kakaiba ang mood sa simbahan na ito, masaya! kumakaway ang mga tao para batiin ang sto nino at pag-aalis na ay kakaway ulit para magpaalam. ang pagkaway na ito ay hango daw sa sayaw ng sinulog kung saan ginagaya ng sumasayaw ang pag-agos ng tubig sa ilog.

plantation bay talaga ang sadya namin nung umagang yun pero dumaan muna kami ng sandali sa tabo-an market kung saan mabentang-mabenta ang danggit at dried squid. nadaanan din namin ang mactan shrine - dito nakatayo ang magellan marker kung saan namatay si magellan. at syempre may monumento si lapu-lapu dito.

katabi lang ng shrine ang sutukil, sikat na seafood restaurant pero kulang na kami sa oras kaya dumiretso na kami sa plantation bay. kakaiba ang resort na ito, sa entrance pa lang ay mapapansin mo na ang mangrove plantation. bawat villa sa resort ay malapit sa malaking man-made saltwater lagoon. ang daming water activities(dive!) na pwedeng gawin pero syempre ang pinakamasarap ay magrelax lang. di nga lang pasok sa budget namin kaya naglakad-lakad lang kami.

pa-diretsong bohol kami ni bonch ng tanghaling yun samantalang sina jao at jac naman ay pabalik na ng manila. pero bago kami naghiwa-hiwalay ay pinakain na naman kami ng kaibigan ni jao sa isang grill restaurant(AA Grill Restaurant) na malapit sa pier. sikat nga pala ang cebu sa mga grill restaurant at ang masasabi ko lang ay panalo ito sa sarap!

mga natutunan sa trip na ito:
1. wag maging paranoid, puntahan ang colon!
2. kapag pumunta ka sa tabo-an market, mangangamoy danggit ka talaga kahit di ka pa bumili. magshower pagkatapos.
3. ang sarap kumain sa cebu, subukan lalo na ang isa sa mga naglipanang grill restaurants
4. ang bait ng mga cebuano. salamat mr. lolito! salamat na rin jao hehe

more cebu photos

3 comments:

shamey said...

Wow! Cebu! Ang daming mga magagandang tanawin. Mga magagandang beaches, pasyalan, mga museum at higit sa lahat mga masasarap na pagkain. Lalo na yung lechon sa cebu. Sayang at hindi ako nakapagbakasyon uli sa cebu. Ang sarap pa naman ng lechon sa lechon cebu. Masarap at ma crispy ang balat. Hindi na kailangang lagyan pa ng liver sauce or mang tomas kasi malasa na yung meat. Yummmyyy ang sarap talaga ng lechon :).

Try lechoncebu :)

Savannah said...

Ang saya at ang sarap mamasyal sa cebu. Ang daming mga magagandang pasyalan. May mapipilian ka pang mga magagandang souvenirs para pampasalubong. Nakakamiss ang cebu. Lalo na yung luto nila ang sarap. Napaka sarap din ng lechon cebu. Wow its taste great! yummmy talaga. Ang crunchy ng balat. The tender juicy meat and crunchy skin was great.

Next time you visit cebu taste the lechon from www.lechoncebu.com d'best ang lechon nila.

cebu travel guide said...

colon st. i think is like the street in baclaran going to the church.

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...