Wednesday, July 25, 2007

alimpungat

madaling-araw. bigla na lang akong naalimpungatan ng may parang narinig akong kakaibang ingay. nagulat na lamang ako na bukas ang ilaw ng kwarto ko, di ko gawaing iwanang bukas ito habang natutulog. naisip ko na lang na marahil antok na antok na ako kagabi kaya di ko na napatay ang ilaw. papatayin ko na sana ang ilaw ng mapansin kong bukas din pati ang ilaw sa balkonahe. di ako makapaniwalang pati ilaw ng balkonahe ay naiwan kong buhay magdamag. medyo natakot na ako ng makita kong bukas ang heater ng banyo ko... at narining na bukas ang shower sa loob. di ko maalala kung ano ang nangyari ng nakaraaang gabi at lahat ay naiwan kong nakabukas. kinakabahan akong binuksan ang pinto ng banyo para isara ang shower nang marinig ko na may sumigaw mula sa loob "Huwag lala! Huwag!". naguluhan na lang ako ng makita si auggie na hirap na hirap takpan ang hubad na sarili sa likod ng shower curtain. dun ako natauhan at natawa nang sobra. si auggie ay bisita ko mula sa pinas at oo nga pala nakikitulog sya sa akin ng ilang gabi. di kase ako sanay na may kasama sa kwarto. sori ako ng sori kay auggie, sabi ko na lang wag sya mag-alala at wala akong suot na contact lens kaya di ko sya masyado nakita. sayang!

6 comments:

Jao said...

Wahahaha!!! Style!

weng said...
This comment has been removed by the author.
weng said...

hanggang ngayon may HD pa rin ka augster bwahahahah

Raz said...

Hahahaha.. sayang, sobrang sayang! next time la, pero magsuot ka na ng contact lenses.

beng said...

sana hinde mo na sinabing wla kang contact lense haha!

Chel said...

funny hahaha! La, wala ka ba talagang nakita? sayang naman pagkakataon mo na.

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...