Wednesday, July 25, 2007

alimpungat

madaling-araw. bigla na lang akong naalimpungatan ng may parang narinig akong kakaibang ingay. nagulat na lamang ako na bukas ang ilaw ng kwarto ko, di ko gawaing iwanang bukas ito habang natutulog. naisip ko na lang na marahil antok na antok na ako kagabi kaya di ko na napatay ang ilaw. papatayin ko na sana ang ilaw ng mapansin kong bukas din pati ang ilaw sa balkonahe. di ako makapaniwalang pati ilaw ng balkonahe ay naiwan kong buhay magdamag. medyo natakot na ako ng makita kong bukas ang heater ng banyo ko... at narining na bukas ang shower sa loob. di ko maalala kung ano ang nangyari ng nakaraaang gabi at lahat ay naiwan kong nakabukas. kinakabahan akong binuksan ang pinto ng banyo para isara ang shower nang marinig ko na may sumigaw mula sa loob "Huwag lala! Huwag!". naguluhan na lang ako ng makita si auggie na hirap na hirap takpan ang hubad na sarili sa likod ng shower curtain. dun ako natauhan at natawa nang sobra. si auggie ay bisita ko mula sa pinas at oo nga pala nakikitulog sya sa akin ng ilang gabi. di kase ako sanay na may kasama sa kwarto. sori ako ng sori kay auggie, sabi ko na lang wag sya mag-alala at wala akong suot na contact lens kaya di ko sya masyado nakita. sayang!

Thursday, July 19, 2007

Dattebayo!

pauwi na kami ni n galing ng wild wild wet ng may makasalubong kaming mga teenager na naka costume. malayo pa naman ang halloween pero talagang seryoso ang mga costume ng mga kabataang ito, mukhang pinag-isipan at pinagkagastusan.

cosplay daw pala, ang cosplay na hango sa english words na "costume" at "roleplay" ay nagmula sa japan - kaya pala ang mga costume nila ay kinopya mula sa mga anime at manga.

ako at isang character mula sa Naruto

si Gaara mula sa Naruto pa rin

sari-saring anime characters

Thursday, July 05, 2007

Singapore Dragon Boat Festival 2007


photos from last weekend's SDBF 2007 held at Bedok Reservoir. SPC mixed crew won the 3rd place for National Championships Mixed Category.
More photos on my Smugmug

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...