Thursday, March 29, 2007

dragonboat muli

Some of our pictures during the MR 500 race held at Lower Seletar Reservoir Park last March 17-18. Our men's team won the open plate finals, and the mixed team almost made it.


photos taken by bryan, glenn & n. Link to more photos

Wednesday, March 28, 2007

bumigay na rin ako. panget na kase talaga sya e. at sa tingin ko kaya ako lalong nale late sa umaga ay dahil sa kanya. kaya kanina nagpagupit na ako ng buhok dito sa gapor. biruin mo yun? magda dalawang taon na ko dito pero eto - first time! bukod kase sa pagkamahal-mahal ay wala akong tiwala sa paggupit nila. dami kase akong naririnig na horror stories kaya talagang sa pinas pa ako nagpapagupit o sa officemate kong pinay na marunong maggupit.

nagpunta ako sa jean yip group - 21 dolas(693 pesos) daw ang gupit regardless of length. mahaba na ang buhok ko at gusto ko sana i-trim ng mga 2 inches. mabilis lang sila naggupit - parang razor ang ginamit pang cut at pagkatapos saka inayos ng gunting. tinanong sa akin kung ok daw i-wash ang hair ko at umoo naman ako. nagulat na lang ako ng shina-shampoohan na ang buhok ko habang nakaupo pa ako sa harap ng salamin. hmmm... masarap sya sa totoo lang kase minamasahe nya ang scalp pero kakaiba di ba? sa kanto kase ng binakayan(sa probinsya namin), shampoo muna ang unang gagawin saka ka gugupitan.

iniisip ko pa kung paano nya babanlawan ang buhok ko nang sinenyasan nya na akong tumayo papunta sa sink. matapos ang napakatagal na blowdry at konting ayos pa sa buhok ko, binigay na sa akin ang bill. 35.90 dolas(1112 pesos) ang nakasulat! nagbayad muna ako saka ko tinanong yung kanino nag a apply yung 21 dolas na gupit. 21 daw kapag haircut lang pero dahil umoo ako sa shampoo at blowdry kaya napamahal. oo kase ako ng oo hehe. di naman talaga sya mahal kung iisipin mong sa singapore ka nagtatrabaho pero syet 40 pesos lang ang gupit sa kanto ng binakayan.

pero masaya pa rin ako. sigurado ako di na ako male late nito sa umaga

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...