Friday, January 26, 2007

lost

uwing-uwi na sana ko. kakatapos ko lang mag-shower matapos ang 90 minutes na hot yoga session. nakuha ko na ang bag ko sa locker, nakabihis na rin at nakasuklay. ok na sana lahat pero parang di ko mahanap ang tsinelas ko. wala naman sa shoerack, wala rin sa mga dressing room. paano ako uuwi ng nakayapak? medyo naiiyak na ako nung lumapit sa receptionist para magpatulong, pero di pa rin namin makita. lintek! may pumitik sa tsinelas ko! sorry ng sorry yung teacher ko, first-time daw na nangyari ito. imposible namang may kapareha ako ng tsinelas - galing liliw laguna pa yun. gawa sa rattan, kulay aqua at napapalamutian ng mga beads na kahoy. 180 pesos ang kuha ko dun, murang-mura kahit di ako pinatawad ng tindera - pag kinonvert mo sa singapore dollars ay 6 dolas lang pero ayun nanakaw pa rin. umuwi tuloy ako ng suot ang spare na tsinelas ng studio, obvious na hiram ko lang dahil ang laki sa kin.

2 comments:

jao said...

Wahahahahaha!!! hehehe..

augster said...

OMG!!! napagkamalan kasi na mamahalin. hahaha. ang ganda kasi nong tsinelas na yon e. Kainis naman yong pumitik non. anyway, ingats na lang sa susunod.

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...