Tuesday, January 30, 2007

An old man waiting for the gates of Forbidden City to open. I love the bamboo pattern on his jacket, the newsboy cap, the dirty fingernails, and the wrinkles on his face. Too bad I was too shy to ask for a photograph so all I had were a few sneaky ones, I think he noticed me though.


Friday, January 26, 2007

lost

uwing-uwi na sana ko. kakatapos ko lang mag-shower matapos ang 90 minutes na hot yoga session. nakuha ko na ang bag ko sa locker, nakabihis na rin at nakasuklay. ok na sana lahat pero parang di ko mahanap ang tsinelas ko. wala naman sa shoerack, wala rin sa mga dressing room. paano ako uuwi ng nakayapak? medyo naiiyak na ako nung lumapit sa receptionist para magpatulong, pero di pa rin namin makita. lintek! may pumitik sa tsinelas ko! sorry ng sorry yung teacher ko, first-time daw na nangyari ito. imposible namang may kapareha ako ng tsinelas - galing liliw laguna pa yun. gawa sa rattan, kulay aqua at napapalamutian ng mga beads na kahoy. 180 pesos ang kuha ko dun, murang-mura kahit di ako pinatawad ng tindera - pag kinonvert mo sa singapore dollars ay 6 dolas lang pero ayun nanakaw pa rin. umuwi tuloy ako ng suot ang spare na tsinelas ng studio, obvious na hiram ko lang dahil ang laki sa kin.

Tuesday, January 09, 2007

ang plano talaga ay bisitahin sa bulacan si don(si don ay bagong opera). pero di namin sya makontak at medyo hapon na rin kaya nagpasya na lang kami na magpa-spa. nakarma yata kami kase napagod lang kami kakahanap ng spa sa glorietta at greenbelt ngunit fully booked lahat. pinagmeryenda na lang kami ni augs sa pancake house (pasikat kay trix)

Sunday, January 07, 2007

pasko sa pinas

ngayong taon na ito, sa pinas ako nagpasko. yeba! 10 days lang, bitin pero sulit na rin. ang importante nakasama ko ang pamilya at mga kaibigan. eto yung mga pictures/mga ginawa namin:

1. noche buena
syempre di mawawala ang walang kakupas-kupas na exchange gift. at tuwing pasko, sigurado na may matatanggap akong panties hehe. eto nga bigay ni bonch ay veronica at betty panties. ang cute!


2. dinner with svi batchmates
madami sa amin, may anak na o asawa na. pati si bogs na dating bading, may gf na rin. (buti na lang di alam ni bogs ang blog ko)


3. asalto ni jao
sarap ng handa! ang totoo nyan para sa akin talaga yung handaan, nagkataon lang na birthday din ni jao hehe


4. breakfast with nanz
si nanz ang pinakamalapit na kaibigan ko nung college. ngayon may baby na sya! ako ay ninang sa taba-tabang si nicholas


5. enterworks
tuwing uuwi ang mga ex-enterworks sa pinas, given na na dadaan kami sa enterworks. eto naglunch kami with tiongks, sayang wala si don at raz.


6. liliw!
eto ang bakasyunan naming mga barkada. liliw - ang bayang mapang-aliw :). malamig ang klima, masarap ang pagkain, maganda ang architecture, mabait ang mga tao, at higit sa lahat - sangkatutak ang mga tsinelas!

pagdating ng gabi, walang sawang videoke at poker!


7. bagong taon
iba talaga ang bagong taon sa pinas - mausok, maingay, masaya!


8. dentista, derma, masahe at foot spa
sinamantala ko na rin gawin ang lahat ng 'to habang nasa pinas. mura talaga at mas komportable akong pinoy ang dentista, derma, etc. at isa pa ay mura talaga e!

9. business class sa singapore air
minsan talaga akala mo malas, swerte pala. naubusan na kase ako ng tiket sa mga budget airlines pauwi sa pinas kaya ang nakuha ko na lang ay business class. san ka pa? :) sarap pala. yung mga stewardess - ina-address ko by my lastname. may champagne at dyaryo agad, pag-upo ko. pag take-off, singapore sling naman. sarap manood ng tv habang sine-serve ang lunch at di maubos na wine. may ice cream at coffee pa pagkatapos. sayang at 3 oras lang byahe pauwi ng pinas hehe.

10. ang mga text at tawag ni n. nasa us kase sya kasama ang pamilya. ng one month! buti na lang uuwi na sya next week :)

Saturday, January 06, 2007

christmas party sa junk boat


Eto ang ilang pictures namin nung nakaraang team christmas party. Ginanap ang party namin sa isang junk boat, isa itong replica ng sikat na Ming Dynasty imperial vessel - Chang Ho. Mga 10 minuto pa lang umaandar ang barko ng ma-empty bat ang camera ko. Haay. Siguro 10% lang ang pinoy sa team namin, halos lahat ay mga indians na. Pero nakakatuwa kase nagdala rin sila ng mga regalo pang exhange gift kahit di naman talaga nila sineselebreyt ang pasko. Tapos kaming mga pinoy, nangaroling ng mga kantang pamasko.

Friday, January 05, 2007

Gambas

friday night pero minabuti kong magpahinga muna kesa manood ng sine at makipagkita sa mga kaibigan. mas trip kong magluto at manood ng tv/magbasa hanggang madaling araw. sarap talaga ng walang pasok kinabukasan. ang ulam ko ngayong gabi ay isang recipe ni tatay na natutunan ko last week nung umuwi ako ng pinas. madali lang lutuin at masarap ulamin, siguradong masarap lalo itong ipulutan.

Gambas

Mga sangkap:

hipon (tanggalin ang ulo at balat pwera buntot)
bawang
sibuyas
kamatis
siling labuyo
long green pepper (yung ginagamit sa sinigang)
asin
paminta
toyo
tomato sauce

Igisa ang bawang at sibuyas. Ihulog ang hipon, kamatis at sili. Timplahan ng asin, paminta at toyo. Ihalo ang tomato sauce. Lutuin sa mainit na apoy. Mas gusto ko yung medyo natutuyo na ang sarsa.

Sarap talaga ng weekend..

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...