Monday, May 01, 2006

Makalipas ang isang taon...


Yan ang kuha namin ni Beng sa ahon ng Mt. Guiting-Guiting nung nakaraang taon. Nakuha pa naming ngumiti pero sa totoo lang ito ang pinaka-challenging na bundok na naakyat namin. Nakakadala talaga:

Una - ang layo ng Sibuyan Island! 24 hours papuntang jump-off (3 boat rides, 1 tricycle).
Pangalawa - bukod sa mabigat na ang backpack namin dahil sa mga camping equipments ay nagbuhat pa kami ng tig-6 na litro ng tubig paakyat ng bundok.
Pangatlo - ang ibig sabihin ng Guiting ay "saw-tooth". Kaya pala. Dito bumigay ang Salomon ko.

Sobra nga yata kaming nadala kaya di na kami ulit nakaakyat ng bundok pagkatapos ng Guiting. (Pero nag enjoy kami sa guiting ha. Nag sidetrip pa kami sa bora - another 13 hours na byahe nga lang. At sumunod pa si augs - meeting place namin sa d'mall :) ) Pero siguro ang totoong rason e wala naman kaseng bundok dito sa gapor. Kaya eto long weekend pero nasa bahay lang kami.

Naalala ko lang ang Guiting kase sa wakas makakaakyat na ulit ako ng bundok! :) Kanina buong araw halos kami naghahanap ni N ng hiking shoes. Una sa Queen's Way - wala masyado. Kung meron man, bukod sa di ko gusto ang style, wala pang size ko. Sumunod naming puntahan - Suntec pero wala rin akong napili. Bihira ang nagbebenta ng hiking shoes dito, naisip namin wala nga kasing bundok dito e. Yung Salomon pala ay na pull-out na dito, sa pinas din daw. Bakit kaya?? Sa Tampines kami nakahanap sa wakas, Vasque ang brand. Libre ni N :) Birthday gift nya daw. Haha ito na yata ang pinakamaagang birthday gift na natanggap ko.

Kota, eto na kami! :)

3 comments:

xieurx said...

kelan kayo kota? :)

lala said...

may 12-15. sabit nga lang ako. gusto nyo din sumabit? :)

xieurx said...

we wish! hehe. eniweis, good luck sa climb! post ka pics ha. :)

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...