Sunday, February 26, 2006

Kwentong Bike

"Gustong-gusto mo bumili, di ka naman pala gaanong marunong" sabi ni N nung subukan kong sakyan yung bike na minamataang kong bilhin. Medyo nanginginig nga ako at halatang hirap makakuha ng balance pero syempre nangatwiran ako. "Mataas kase masyado yung upuan, pwede bang babaan?" Sabi nung may-ari ng bikeshop pwede nya daw lagariin yung seat post kung gusto ko. Wala ng atrasan ito, lalagariin na pala e. Pero sigurado na ko, itong bike na ito talaga ang gusto ko. 4 out of 5 ang score nya sa must-haves ko:

1. dapat discbrakes - check
2. dapat magaan - check
3. dapat pasok sa budget ko - check!
4. dapat medyo kilala ang brand - di ko talaga kilala ang kona, plano kong bilhin ay ang giant na brand. pero mas nagustuhan ko ang porma ng kona, 2006 model pa! Sabi pa ng salesman pang professional daw ang bike na 'to. san ka pa! :) so check din.
5. dapat kulay white or red, na medyo chrome ang dating. dito sumablay kase yung nagustuhan kong model - blue lang ang kulay, shiny pa. pero nung tinitigan ko maganda naman pala. poging-pogi ang bike ko :)

Nagbike na lang kami pauwi ng bahay, angkas-angkas ako ni N kaya napatunayan agad naming matibay ang bike na ito. Yahoo


Friday, February 24, 2006

pekeng pangulo

potek... kung nasa pinas sana ko ngayon, sigurado kasama ko sa mga raliyista.

nagdeklara kanina ng state of emergency si arroyo, may mga nagpa plano daw ng coup d etat laban sa gobyerno. bawal na daw ang magrally. pwede na daw ang warantless arrests. si randy david inaresto rin daw.

grabe naiiyak ako sa inis habang pinapanood ko ang video nya sa www.inq7.net. ang kapal ng mukha nya, sya pa ang "nagbabala sa mga nagtataksil daw sa bayan".

para sa self proclaimed best person/best president to lead the country until 2010, dapat ngang matakot sya.

laban pinoy, laban!

Wednesday, February 22, 2006

better to be paranoid than blind

I got a call earlier tonight from N to check out the news on tv - The Health Ministry here in Singapore has strongly urged those using Bausch and Lomb's ReNu multipurpose solution to stop, until investigations are complete.

Currently, a total of 39 cases were detected of fungal infections of the eye among contact lens users - 3 or 4 of them has to undergo corneal transplant to save their sight.

Bausch and Lomb's ReNu solution has a strong association with the fungal infection cases, says the Health Ministry.

A total of 35 out of the 39 contact lens wearers infected with the Fusarium solari fungus said they had used the solution.

Dr Chan Wing Kwong, Head of Refractive Surgery Service at the Singapore National Eye Centre, said: "The reason that we are worried is that fungus is slow to present. In fact due to the biology of the fungi, they grow quite easily in the eye without causing too many symptoms and sometimes it can be days or weeks later before they start to present. "They will start to present similarly with redness and pain and poor vision but they will present late and therefore the loci of the infection are now bigger.

Now that's scary. I've been using ReNu solution for years. I even have 3 unopened bottles in my closet not to count the one I'm using now. I guess I have to buy new solutions tomorrow. How troublesome.

Source: channelnewsasia

Thursday, February 16, 2006

The case of the missing hard boiled eggs

So how can you tell a hard boiled egg from a raw egg if they got mixed up in your fridge?

Last night, I was all set to prepare an egg sandwich spread. I've already boiled half a dozen eggs but I got too sleepy to finish up so I just placed the eggs in a bowl and left them in the fridge. Well tonight, just as I was about to resume I found out my eggs were missing! No sign of the bowl. There's no way a person in our house can eat 6 eggs in one go so Beng concluded that maybe someone has returned my hard boiled eggs in the shelf along with all the raws. I asked Anet but she said she hasnt seen any eggs so my only suspect would be Miko. Miko the guilty one admitted he thought the eggs were still raw so he just put them back in the shelf. At first we just looked closely at the eggs and shake em up a bit - we cant tell by the color alone because egg shells here in Singapore are pink. Then he got an idea - he began spinning the eggs like a top. Hard boiled eggs spin effortlessly while a raw egg will wobble. That's because a hard boiled egg is already solid. Haha genius! We felt like we were in some science lab experiment or something.

I still like my idea better though, easiest way to know is to crack em open :)

Thursday, February 09, 2006

2 million jacket at iba pang kwento

Nabili ko rin ang matagal ko nang pinapangarap na jacket. Dito sa gapor, 89 sgd lang sya - natyempuhan ko pang 10% off. Pero nung una ko syang makita - nagkakahalaga sya ng 2 million -- dong. Unang gabi namin ni beng nun sa Hanoi, Vietnam... naglalakad lang kami, patingin-tingin ng mga jacket sa tindahan. Di kase namin akalain na malamig pala sa Hanoi. Sabi kase sa Lonely Planet - dry season daw ang January. Kaya dumating kami ng naka sando, tokong at tsinelas. Tanghali yun pero mga 12 degrees pala sa labas. Ang mga tao naka jacket, bonnet, gloves, scarf!

Sa dinami-dami ng binebentang jacket dun e yung 2 million(1 usd = 16,000 dong) pa ang nagustuhan ko, masyadong mahal kaya di na lang ako bumili. Pinahiram naman ako ni jao ng extra jacket nya, medyo manipis pero pwedeng pagtyagaan.

Maganda ang Hanoi, madaming lakes, parks, museums. Nakita pa namin ang labi ni Ho Chi Minh. Pero di ang mga yan ang maaalala mo sa syudad na ito. Ang palaging bumabalik sa isip ko ay ang pambihirang mga kalye ng Hanoi. Hanep talaga. Sigurado ako lahat ng tao dun may bike o motorbike. Promise. Ang kalsada punong-puno ng bike at motorbike. Bihira ang kotse, kung meron siguro ang ratio 50:1.





Ang madalas naming problema dun e pano tumawid. Kelangan talaga matatag ang loob mo. Di ako OA, kawawa ka kung pedestrian ka dun. Kaya nung huling araw namin, nagtapang-tapangan ako at nag arkila ng bike. Masarap ang feeling, parang taga-dun ako. Pero sa huli naligaw na ko, madami kaseng one-way na kalsada tapos medyo bobo pa kong magbasa ng mapa.

Ang bike ko at ang Hanoi Opera House

Bitin pero masaya ang trip namin sa Hanoi. Sigurado babalik ako. (Kinulang kami sa oras at di ko natikman ang Bia Hoi. Ito daw ang world's cheapest beer)

isang tindera ng prutas sa hanoi

More Hanoi pics.

Sa Bangkok


Bago kami pumunta ng Hanoi, dumaan muna kami ng Bangkok. Sa bangkok na rin kami nagkita-kita nina jao, sym at luv. Shopping talaga ang sadya namin ni beng dun, tinapat pa namin na weekend para sa Chatuchak weekend market. Napakalaki ng market na ito, may lampas 15,000 shops ang laman nito. Sabi nga ni jao, ano kayang itsura ng lugar na ito pag weekday?

Matapos ang sulit na shopping, dumiretso kami sa Lumphini Stadium. Gusto kase namin manood ng Muay Thai Boxing. Bago nga kami umalis ng gapor, nanood muna kami ni beng ng pelikulang Ong Bak - thai film sya tungkol sa isang monk na eksperto sa muay thai. Ang muay thai ay isang martial art kung saan ginagamit ang kamay, paa, siko, tuhod at ulo para dumepensa. Medyo mahal ang tiket, inabot kami ng 2000 baht pero maganda naman ang mga laban. Meron pang na knockout. Pero mas maganda at mas violent ang napanood namin sa Ong Bak. Panira talaga ang mga pelikulang yan. Tsk Tsk


Kinabukasan matapos kaming mag shopping. na naman, pinuntahan namin ang Grand Palace at ang iba pang mga temple sa tabi nito. Pangatlong beses ko na ito sa bangkok pero ngayon lang ako nakarating dito. Malayo pa lang ay kumikinang na ang grand palace, marami sa mga structure dito ay gawa sa ginto(malamang gold-plated). Ayos lang, di ako gaanong bumilib sa grand palace. Naglagay pa sila ng miniature ng Angkor Wat dun kaya mas lalong maikukumpara mo ang dalawa. Malayong-malayo ang agwat nila. (Sangkatutak ang turista at napakainit ng panahon kaya siguro di ko nagustuhan dito)


Pero ang mga templo, sulit. Ang Wat Pho ang pinakamalaki at pinakamatandang templo sa Bangkok. Sa loob nito ay nakalagay ang buddha na may laking 46m long at 15m high. Nakakamangha talaga.

Ang Wat Pho

Malapit dito ay ang Wat Arun, isang templo na mararating mo sa pagsakay sa bangka. Kakaiba ang templong ito dahil pinalamutian ito ng pira-pirasong china porcelain tiles. Lalong nagustuhan ko ang lugar na ito dahil tahimik at konti lang ang turista.

Kami ni Beng sa Wat Arun

Kinagabihan nagshopping na naman kami. At ang huling hirit, sinubukan namin ang thai foot massage. Panalo! Sulit na sulit ang trip na ito. :)

More Bangkok pics.

PS
Salamat N sa trip na 'to. Sana sa susunod kasama na kita. :)

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...