Thursday, October 20, 2005

Grey Owl For Sale







yan ang bago kong oar. grey owl 46" performance paddle. nabili ko sya mga 2 weekends ago. ang tagal-tagal ko ng gustong makabili nito sa pinas pero palaging di pasok sa budget. ngayon nakabili na ko pero ang tanong, magagamit ko kaya? sa ngayon nakasandal lang sya sa isang sulok ng kwarto ko. haay nakakalungkot.

last weekend kase may dragonboat race na ginanap sa bedok reservoir. lumahok ang PYROS, yung team ko sa pinas. tapos kasali rin yung SPC, yung team ko dito sa sing. medyo matagal kong pinag-isipan at sa huli nagdecide na lang ako na di na lang sumali - manonood na lang ako para di maipit sa 2 team.

pero wala rin - sabi ko na nga ba e. naipit din ako. mahabang kwento - basta na disqualify yung spc dahil nagreklamo ang pyros. may katwiran naman ang pyros - kumarera kse yung isang paddler ng spc kahit organizer sya. pero naiintindihan ko rin kse yung paddler na yun - gusto lang nman nya magrow. haay parang ako, gusto ko lang magrow.

pwede pa naman ako magtraining kasama ang spc - pero dyahe na e, alam ko masama loob nila sa pyros. nasipa sila sa sarili nilang bansa - sa isang event na kasama silang nag organize. kung ginawa yan sa pyros, naku ang laking gulo.

kaya ngayon wala na kong team. etong bago ko ngang oar inaalikabok na.

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...