Tuesday, June 14, 2005

Sana nag black shirt ako

Sana talaga. Yun ang una kong naisip pagdating ko sa World Trade Center nung sabado. Nakapila na ang brother ko papasok sa entrance at syempre - naka black din sya kagaya ng halos lahat ng tao dun. Wala lang, isang kababawan pero mas feel ko na rocker ako pag naka itim din ako. Hehe. Concert nga pala yun ng Juan dela Cruz band na sumikat nung dekada 70, reunion ito nina Joey “Pepe” Smith, Wally Gonzalez at Mike Hanopol.

Inumpisahan nila sa kantang "Maskara". Intro lang, bitin nga e. Tapos ayun, binirahan na ng "Kahit na anong mangyari", "Beep beep", "Palengke", "Balong Malalim" at marami pang iba. Ang brother ko ayun, tuwang-tuwa. Tumatalon, sumasabay sa kanta, humihiyaw.

Syempre di matatapos ang gabi ng di nila tinutugtog ang national anthem na ng pinoy rock na "Ang Himig Natin". Ang kakanta sana ay mga guest performers nila tulad ni Lord ng Radioactive Sago Project, Hannah ng Session Road at iba pa pero lahat ng tao ang tinatawag ay si Pepe. Kaya ayun pinagbigyan din nya, hanep nakakakilabot nga e. Tinapos nila sa kantang "Ang Pagkalas" - sinulat yata ito talaga para sa concert.

"kahit na ano pang gawin, ibalot pa, iluto, iprito - rock en roll pa rin yan" - Joey Pepe Smith



June 12
Pag nga naman sinuswerte...
Naglalakad lang kami ng sister ko palabas ng mall, nang marinig namin na may tumutugtog na banda. Tunog Eheads - "Magasin" pa nga ang tinutugtog nila e. Hmmm could it be? Eheads the reunion? Hehe sa SM Bacoor?! Pag kita ko si Ely nga! The Mongols pala. Ang galing, nakakamiss tuloy ang Eheads. Sayang kase last song na agad, tinugtog nila ang "Alapaap" - one for the road para daw sa kalayaan.

Hello 2017

Hello blog, it has been 4 1/2 years since my last post! I thought I'd just give you an update with what's happened since then: I...